Ibinasura ng Senate Blue Ribbon Committee ang hiling ni Senadora Leila de Lima na ipa-cite for contempt ang umano’y gambling middleman na si Wally Sombero, matapos itong mabigong dumalo sa ikatlong pagkakataon sa pagdinig ng Senado ukol sa umano’y suhulan sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon, nais muna niyang makuha ang kopya ng medical certificate ni Sombero na nagpapatunay na nagkaproblema nga ito sa kalusugan dahilan upang hindi matuloy ang pag-uwi nito sa Pilipinas.
Si Sombero ay sinasabing hindi pinayagang sumakay ng eroplano sa Vancouver, Canada makaraang tumaas sa 450 ang sugar level nito at nakaranas ng hirap sa paghinga at matinding pagpapawis.
By Ralph Obina