Nanawagan ang isang senador na lalo pang higpitan ang pagpapatupad ng border control, health protocols, maging ang umiiral na mandatory quarantine sa mga pumapasok sa bansa.
Ito ang panawagan ni Senador Bong Go, chair ng Senate Committe on Health sa mga eksperto para maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19 lalo na ang kapapasok lang na Indian variant.
Giit ni Go, dapat isa puso natin palagi na nakasalalay sa tamang pag-iingat ang pagpigil ng pagkalat ng sakit.
Kung hindi aniya tayo makikiisa, mas mailalagay sa peligro ang ating sarili at ang ating komunidad gaya ng problemang naidulot sa ating kabuhayan.
Kasunod nito, nanawagan din ang senador sa publiko na magtiwala sa vaccination program ng pamahalaan na sagot aniya sa problemang dulot ng COVID-19. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)