Posibleng umabot sa mahigit 20,000 bagong kaso ng COVID-19 ang maitala sa bansa kada araw.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ay hindi pa nila masasabi kung aabot ng 25,000 ang mga kaso kada araw pero malaki aniya ang tiyansang higit pa sa 20,000 ang maitalang mga bagong kaso ng virus.
Maaari aniyang makita ang peak ng COVID-19 cases sa una o ikalawang linggo ng Setyembre.
Paliwanag ni David, tumataas ang reproduction number lalo na sa National Capital Region.
Una nang sinabi ng OCTA na posibleng pumalo sa 20,000 ang new daily cases dahil sa pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico