Sumiklab ang dalawang insidente ng sunog sa Maynila at Caloocan City nitong Sabado.
Dakong alas-5 ng hapon nagsimula ang sunog sa Maaliwalas Street, Barangay 867 sa Pandacan, Maynila.
Umabot ito sa ikalawang alarma na tumupok sa dalawang palapag na bahay at idineklarang fire out alas-7 ng gabi.
Samantala, umabot sa unang alarma ang sunog na naganap sa Barangay 69, Caloocan City na tumupok ng isang residential area.
Agad namang naaapula ang apoy alas-6:52 ng gabi.
Patuloy namang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.