Alam naman natin na kape ang pangunahing inumin ng mga Pilipino tuwing umaga, ngunit maganda rin ang pag-inom ng tsaa paminsan-minsan.
Ayon sa mga eksperto, may ilang benepisyo ang pag-inom ng tsaa sa katawan ng tao.
May taglay na antioxidants ang tsaa, na tumutulong labanan ang “free radicals,” na nagpapahina sa mga cell ng katawan.
Tulad ng kape, may caffeine din ang tsaa, pero mas kaunti ito kaysa kape, kaya mas kaunti ang tsansang makaranas ng palpitation ang mga umiinom ng tsaa.
At dahil walang calories ang tsaa, makakatulong ito sa ating digestive system, at mas kaunti rin ang tsansang magkaroon ng atake sa puso o kaya’y stroke ang mga iinom nito.
Nakatutulong din ang tsaa na magbawas ng timbang, patibayin ang buto at ngipin, palakasin ang immune system, at pigilan ang paglaganap ng cancer.
Kaya, huwag matakot na mag-tsa paminsan-minsan tuwing umaga… o hapon… o kahit gabi. —sa panulat ni Anjo Riñon