Northeast Monsoon o hanging amihan parin ang nararanasan sa ilang lugar sa bansa partikular na bahagi ng Aurora kabilang na ang Casiguran, Dipaculao, at Dinalungan.
Ayon kay Pagasa weather specialist Veronica Torres, patuloy paring minomonitor ang low pressure area na namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa layong 190 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Asahan din ang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng luzon lalo na sa ilang lugar sa Cagayan Valley, Apayao, Caraga at Bicol Region.
Mararanasan naman ng bahagyang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa metro manila at nalalabing bahagi ng luzon dahil sa isolated ran showers o thunderstorms.
Mababa parin ang tiyansa na maging bagyo ang naturang LPA sa susunod pang mga araw.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 30 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:16 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:32 ng hapon.