Umakyat na sa 81,048 na pamilya o katumbas ng 313,373 indibiduwal ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Jolina.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Managemen Council Spokesman Mark Timbal, nagmula sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern At Western Visayas, Soccsksargen at Metro Manila ang mga apektado ng bagyo
Nananatili naman sa 17 ang bilang ng mga nasawi, 24 naman ang sugatan habang pito pa ang nawawala.
Nasa mahigit P665 milyon ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura habang papalo naman sa mahigit P63 milyon naman sa imprastraktura.
8,924 na mga kabahayan ang nasira dahil po dito kay Jolina diyan po sa Calabarzon, Mimaropa, Region V, VI at VIII. Pinaka marami pong nasirang mga kabahayan diyan po sa Region VIII, yung unang sumalubong kay Typhoon Jolina.
Ang tinig ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal sa panayam ng DWIZ…