Kinumpirma ng Office of Civil Defense na maaaring pumalo sa kalahating bilyong piso ang kakailanganing emergency repair fund sa San Juanico Bridge.
Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang estimate na ito ay isang “very rough estimate” at wala pang kumpletong detalye.
Aniya, dahil hindi pa naglalaan ng pondo ang Department of Public Works and Highways para sa nasabing proyekto, pinag-aaralan pa ng gobyerno kung maaari itong pondohan mula sa disaster risk reduction and management fund.
Ang San Juanico Bridge, na nag-uugnay sa mga isla ng Leyte at Samar, ay isang mahalagang imprastraktura sa rehiyon.
Dahil sa mga ulat ng pagkasira at ang pangangailangan para sa agarang pagsasaayos, magugunitang itinaas ito blue alert status ng upang tiyakin ang kahandaan at koordinasyon sa mga hakbang pangkaligtasan.