Home NATIONAL NEWS PNP, wala pang inilalabas na wanted poster para kay Bato Dela Rosa

Galvez, dismayado sa nangyareng pagdumog ng mga tao sa Dolomite Beach

by DWIZ 882 October 29, 2021 0 comment
DOLOMITE SAND BEACH

Dismayado si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. makaraang dinumog ng publiko ang Manila Bay Dolomite Beach.

Ayon kay Galvez, kinakailangan na itong pag-usapan sa Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sunod-sunod na ang nangyayaring pagdagsa ng mga tao sa nasabing beach sa Maynila.

Kailangan na aniya ito talakayin upang matiyak na hindi na mauulit ang naturang insidente .

Samantala, naitala naman ang pinakamataas na bilang ng mga pumasyal sa dolomite beach nuong 24 ng Oktubre  na umabot sa mahigit 100,000.

Habang  nuong a 23 ng Oktubre ay pumalo naman sa higit 60,000 ang bilang ng mga namasyal dito.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment