Pabor si House Appropriations Committee Vice Chairman at Iloilo Representative Janette Garin na tanggalin na ang hybrid session sa kamara sa halip ay bumalik na sa face-to-face sessions.
Ayon kay Garin, magiging maayos ang ekonomiya ng bansa kung makikitang balik na sa normal ang trabaho sa mga pangunahing tanggapan ng gobyerno.
Kinatigan naman ni Albay Representative Edcel Lagman sa pahayag ni Garin sa plenaryo.
Aminado si Lagman na mahirap din ang hybrid lalo’t hindi naman stable lahat ng internet connection ng mga kongresista.
Sinimulan ang hybrid session ng senado at kamara noong Mayo 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa Setyembre 30 magsisimula break ng kamara habang sa Nobyembre 6 ang balik ng sesyon. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla