Mamamahagi ang European Union (EU) ng P8.6 million na humanitarian aid para sa mga nasalanta ng bagyong Karding.
Inaasahang mapapakinabangan ito ng nasa 35k residente ng Central Luzon at CALABARZON.
Isa rin ang Philippine Red Cross sa mga makikinabang sa pondo para sa pamamahagi ng emergency relief items, food packs, container ng tubig at hygiene kits.
Matatandaang sinalanta ng bagyo ang malaking bahagi ng Central Luzon at iba pang lugar nito lamang Setyembre at nag-iwan ng matinding epekto sa mahigit 70k indibidwal at malaking pinsala sa agrikultura. —sa panulat ni Hannah Oledan