Nagbalik loob na sa pamahalaan ang may 130 miyembro at taga-suporta ng NPA o New People’s Army na nakabase sa Sumilao, Bukidnon.
Nangyari ang pagsuko nang isagawa ng 403rd Infantry Brigade ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang Communist Support Program kasabay ng nagpapatuloy na military operations sa lugar.
Isinuko ng mga naturang rebelde ang 34 na armas at isang I.E.D. o Improvised Explosive Device kung saan, ilan sa mga ito ay dalawang regular na miyembro ng NPA habang 35 rito ay mga militiamen at 93 base supporters.
Kahapon, 215 mga rebelde na nagbalik loob ang hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa palasyo ng Malakaniyang.
Bahagi ang mga ito ng 683 na mga miyembro ng CPP-NPA na sumuko sa iba’t ibang lugar sa Mindanao na dinala sa Maynila sakay ng C-130 plane ng pamahalaan.
Posted by: Robert Eugenio