Inaasahang aabot sa 50 mga lalawigan ang makakaranas ng tagtuyot pagdating ng Abril.
Ito inanunsyo ng Office of Civil Defense, sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon kay OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno, nabawasan ng 60% ng kadalasang pag-ulan sa Apayao, Ilocos Norte, Bataan, Kalinga, Cagayan, Palawan, Cavite, at Zambales sa loob ng 5 buwan.
Kaugnay nito, nababahala rin si Undersecretary Nepomuceno sa pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam, bagamat hindi pa ito ganoon – – sa panunulat ni Charles Laureta