Mga gang members na responsable sa pagkamatay ng mga kaanak ng isang tindera sa haiti, ginantihan at pumanaw sa paraan na hindi nila inaasahan.
Ang buong kwento ng paghihiganti na ito, alamin.
Isang kilalang tindera ng empanada o pâtés kung tawagin sa Haiti ang namigay ng libreng empanada sa apatnapung myembro ng gang na Viv Ansanm sa Kenscoff District bilang pasasalamat niya sa mga ito sa pagprotekta sa kanilang lugar.
Pero hindi ito isang charity act mula sa hindi pinangalanang babae. Dahil hindi lingid sa kaalaman ng mga gang members na mayroon palang nakahalong industrial insecticide rito.
Hindi nagtagal matapos kainin ang mga empanada, nakaranas ng labis na pagsakit ng tiyan at pagsusuka ang mga gang members at tuluyang binawian ng buhay bago pa mabigyan ng medical assistance.
Sa halip na magtago, ang tindera mismo ang nagdala sa kaniyang sarili sa mga otoridad at inamin ang ginawang panglalason sa mga gang members.
Ayon sa tindera, ginawa niya lang naman daw ito bilang ganti para sa kaniyang mga kaanak na namatay dahil sa nasabing gang.
Matapos ang insidente ay nasunog ang bahay ng babae pero mabuti na lamang ay nakalipat na ito ng tirahan bago pa mangyari.
Samantala, wala pang naiulat kung ang tindera ba ay mahaharap sa kaukulang reklamo dahil sa isinagawang massacre.
Sa mga mapang-api diyan, kilalanin niyo muna ang mga binabangga niyo at baka magulat na lang kayo kapag bigla kayong ginantihan ng mga ito.