Muling kinalampag ng Grupong Alliance of Concerned Teachers na gawing tax-free na ang honoraria ng mga guro na nagsisilbi tuwing eleksyon.
Kasunod ito ng pagtitiyak ng Department of Education sa House Committee on Basic Education and Culture, na kanilang babantayan ang pagbabayad sa mga guro at personnels na nagsilbi noong halalan.
Magugunitang nitong Mayo 13 ay sinimulan nang bayaran ang mahigit sa animnapung libong guro at personnels na nagsilbi noong May 12 elections.
Ang bawat electoral board members ay nakatanggap ng walong libo hanggang labindalawang libong piso, depende sa posisyon at trabaho, kung saan kakaltasan pa ito ng buwis.
Samantala, pinalilinaw din ng komite kung ang inaprubahang dagdag na honoraria para sa teachers at poll workers ay papatawan pa rin ng buwis.