Kinumpirma ni dating North Cotabato Governor Manny Piñol, na tinanggihan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ang alok ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na maging running mate nito sa 2016.
Sinabi din ni Piñol na sa ngayon ay mas napag-uusapan din nila ni Duterte, ang posibleng tambalan nila ni Batangas Gov. Vilma Santos.
“Talagang pumunta si Mar Roxas sa Davao para kumbinsihin si Rudy Duterte na tumakbong Bise-Presidente niya, pero he respectfully rejected, yung Bongbong naman hindi namin nagpag-uusapan yan eh, ang napag-uusapan naming ay Vilma Santos.” Ani Piñol.
Decommissioning
Hindi matiyak ni dating North Cotabato Governor Manny Piñol, kung magdudulot ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao, ang Bangsamoro Basic Law.
Ito ay sa harap ng nakatakdang pagsisimula ng pagsusuko ng armas ng MILF, bukas.
Ipinaliwanag ni Piñol na ito ay dahil bukod sa pagkakahati-hati sa loob ng MILF, hindi din nagkakasundo ang mga Muslim mula sa mga isla sa Mindanao at ang mga nasa mainland Mindanao.
By Katrina Valle | Karambola