Naniniwala ang Labor Department na sa mga paparating pang mga buwan ay tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong magkakaroon ng trabaho.
Sa inilabas na kalatas ng Labor Department, ito’y dahil sa pagluluwag ng pamahalaan sa ipinatupad na community quarantine na nagbukas sa higit 7-milyong mga trabaho at higit 4-milyon manggagawa naman ang nakabalik sa kanilang trabaho batay sa survey noong Hulyo.
Bukod pa rito, umaasa ang Labor Department na magkakaroon pa ng ibang mga pagbabago bunsod na rin ng hakbang ng pamahalaan para masugpo ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasabay nito ang pagpapatupad ng Recharge PH na bahagi ng recovery plan ng pamahalaan para sa muling pagpapasigla ng ekonomiya sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.
Pagdidiin pa ng DOLE, patuloy ang pagprotekta sa kapakanan ng mga naapektuhan manggagawa pagsasabatas ng Bayanihan 2.