Tiniyak ng Department of Labor and Employment na tatalima ito sa ten-day ban ng pamimigay ng anumang uri ng ayuda na ipinatupad ng Commision on Elections.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, batid niya na sakop ang kanilang ahensya sa nasabing direktiba ng COMELEC.
Nabatid na ipinag-utos ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang ‘ayuda ban’ mula May 2 hanggang May 12 upang maiwasang magamit ang pondo ng pamahalaan sa pangangampanya.
Dahil dito, hindi muna pahihintulutan ang pamimigay ng pinansyal na tulong mula sa pamahalaan, partikular na ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), tupad, 4Ps, at ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).—sa panulat ni John Riz Calata