Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang panukalang baguhin ang Anti-Hazing Law.
Ayon kay Justice Undersecretary Zabedin Asis, dapat palakasin ang Anti-Hazing Law na tanging sa regulation lamang naka-focus at hindi nagpapatupad ng parusa.
Sinabi ni Asis na mas makakabuti ring magpatupad ng mas mabigat na parusa laban sa hazing sa fraternities, sororities at iba pang organisasyon.
By Judith Larino