Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

DOH, tiwalang bababa sa 2k ang kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw

by DWIZ 882 November 4, 2021 0 comment
DOH COVID-19

Tiwala ang Department Of Health o DOH na bababa sa 2k  ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kung patuloy na susundin ang mga ipinapatupad na health at safety protocols sa bansa  malaki ang posibilidad na bumaba sa 2k ang kaso kada araw.

Bukod dito, pabor din si Duque na ibaba na sa alert level 2 ang Metro Manila ngunit may ilang kondisyon lamang na dapat sundin.

Aniya, kailangan mas paigtingin ang pagpapatupad ng minimum public health standards at iwasan ang matataong lugar upang hindi maging sanhi ng hawaan sa bansa.

Samantala, nagpaalala muli si Duque sa publiko na kailangan pa rin sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols upang maabot ang masayang kapaskuhan sa Disyembre.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment