Mahigpit na binabatayan ng gobyerno ang mga Pilipinong bumabalik sa bansa mula sa Middle East na posibleng miyembro ng Islamic State.
Sa ginanap na ASEAN Defense Ministers Meeting sa Clark, Pampanga, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kasama sa ibinigay na listahan ng Kurdish Intelligence ang pangalan ng ilang mga Pilipinong nakipaglaban para sa ISIS.
Patuloy na minomonitor ang naturang mga nagbabalik bansang mga Pilipino dahil sa posibleng paglulunsad nito ng terror attack kasunod ng pagkatalo ng teroristang grupo sa Syria at Iraq.
Bukod sa mga Pilipino ay kabilang din sa naturang listahan ang ilang Malaysian at Indonesia.
—-