Nilinaw ng DOH na sakop ang lahat ng indibidwal, bakunado man o hindi ng mga ipinatutupad na quarantine restrictions sa Metro Manila.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang magiging pagkakaiba sa mga bakunado at hindi pa bakunadong indibidwal at lahat ay kailangang sumunod sa mga ipinatutupad na regulasyon para maingatan ang lahat laban sa delta variant.
Giit pa ni Vergeire, hindi ito magiging patas sa iba lalo’t limitado pa rin ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Una rito, humirit ang Metro Manila Mayors ng apat na milyong doses ng COVID-19 vaccine para sa rehiyon.