Mahigit isandaan at pitumpung kaso ng human immunodeficiency virus o HIV infections ang naitala sa mga migrant workers mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa bilang na ito, isandaan at apatnapu’t walo ang lalaki habang dalawampu’t tatlo naman ang babae.
Nabatid na nauna nang inihayag ng DOH na umabot sa halos limang libo ang bagong kaso ng HIV sa loob lamang ng second quarter ng taon.
Ang mga rehiyon naman ng Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, SOCCSKSARGEN, Western Visayas at Davao ang nagtala ng pinakamalaking bilang ng impeksyon na katumbas ng 74 percent ng kabuuang bilang ng kaso.