Suportado ni Architect Felino “Jun” Palafox Jr., ang mungkahi ni senator Robinhood Padilla kaugnay sa paggamit ng cable cars upang mabawasan ang traffic, partikular sa Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Palafox na matagal na rin nila itong iminungkahi at mayroon na rin silang mga disenyo para dito.
Marami aniyang magandang maidudulot ang cable cars at environment-friendly rin ito.
Maliban dito, bumaba rin ang crime rate sa mga bansang gumagamit ng cable cars, gaya ng siyudad ng Medellin sa Columbia.
Cable cars are environment friendly, doesn’t pollute, it doesn’t require wide right of ways and yung mga towers non we can design them as iconic landmarks…and it gives chance for us para kang naka helicopter like a bird flying over the city and there will be panoramic views of the city…
Sinabi pa ni Palafox na kakayanin naman na maisakatuparan ang mungkahi ni senador Padilla.
Kung Dubai ito in 18 months kaya, kung mga desisyon sa Dubai ang bilis magdesisyon … baka wala, baka 1 year kaya, kailangan talaga visionary leadership, strong political will with appreciation of good urban planning and urban transport planning good de..select architecture engineering and excellent management ofcourse good citizenship also everytime may magpopost ng proposal, magpropose ng magagandang rekomendasyon agad-agad ang daming kumokontra…
Ang pahayag ni Architect Felino “Jun” Palafox Jr., sa panayam ng DWIZ.