Mahalagang mapangalanan na ang susunod na kalihim ng Department of Health (DOH) bago pa man mag-umpisa ang bagong susunod na administrasyon.
Binigyang diin ni Private Hospitals Association of the Philippines Incorporation (PHAPi) President Dr. Jose Rene De Grano na umaasa ang hanay ng medical community na ang mapipili ni Marcos ay isang taong makatutulong sa mga doktor, ospital at iba pang healthcare facilities.
Habang, inirekomenda naman ng samahan ng mga pribadong ospital para maging susunod na Health Secretary si Dr. Ted Herbosa.
Samantala, si Herbosa ang special adviser ng National Task Force (NTF) against COVID-19.
Ani grano, hindi lamang sila ang nag-endorso kay herbosa maging ang iba pang mga ospital at maging ng Philippine Medical Association (PMA).