Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

DOH magkakaloob ng libreng free routine, catch-up immunization mula June 30 – July 1

by DWIZ 882 June 29, 2022 0 comment
BABY

Magkakaloob ang Department of Health ng libreng routine at catch-up immunization para sa mga sanggol simula Hunyo a-30 hanggang Hulyo a-1.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga bakunang maaaring ibigay ang BCG Vaccine, Hepatitis B, Penatavalent, Oral Polio, Inactivated Polio, Pneumococcal Conjugate at Measles-Mumps-Rubella.

Sinabi pa ng opisyal na kahit ito na ang huling buwan na mayroong Chikiting Vaccination Days, hindi naman aniya magtatapos ang kanilang routine vaccination campaigns.

Pinaalalahanan rin ni Vergeire ang publiko na manananatiling available ang mga bakuna sa mga health center.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment