Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer ng Christmas products, gaya ng noche buena items na limitahan sa 10% ang itataas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Ayon kay DTI undersecretary Ruth Castelo, kung lima hanggang pitong piso lang ang itataas, posibleng kayanin pa ang presyo nito, pero kung hihigit pa rito ay mahihirapa nang bumili ang mga consumer.
Nilinaw naman ni Castelo na ang kanilang obserbasyon sa price increase ng mga produkto ay hindi kasama sa kanilang price regulation.
Sa susunod na buwan ay maglalabas ang DTI ng Suggested Retail Prices (SRP) ng mga noche buena products at iba pang Christmas items.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla