Hinikayat ng DOH o Department of Health ang mga Local Government Unit na magtalaga ng lugar para sa pagpapaputok.
Ayon kay DOH Spokesman Asec. Lyndon Lee Suy, may ilan pa kasing mga lugar sa bansa ang wala pang mga designated common areas para sa paputok at fireworks display alinsunod sa itinatalaga ng Executive Order Number 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagpaalala pa si Lee Suy na kailangan ay well – trained ang mga magsasagawa ng fire works display para maiwasan ang disgrasya.
Sa huling tala ng DOH, umabot na sa 42 ang naitalang nasugatan dahil sa paputok.