Namemeligrong kapusin ang supply ng raw sugar sa bansa.
Ibinabala ito ng Sugar Regulatory Administration (SRA) makaraang mapilitan na ang mga manufacturer na kumuha ng local supply, na limitado lamang sa merkado.
Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica, ang mga manufacturer na noon pa hindi bumibili ay bumibili na ngayon ng raw sugar upang iproseso bilang refined sugar para sa kanilang consumption.
Isinisi naman ni Serafica sa United Sugar Producers Federation sa pangunguna ng pangulo nitong si Manuel Lamata ang pagtaas ng presyo ng asukal sa mga nakalipas na buwan, dahil sa pagharang grupo sa importasyon ng refined sugar.
Sa datos ng SRA, nasa P49 hanggang P71 na ang kada kilo ng retail price ng raw sugar sa mga supermarket ngayong buwan mula sa dating P41 hanggang P56 sa kaparehong panahon ngayong taon.
Nasa P58 hangang P70 naman ang presyo nito sa mga palengke kumpara sa P43 hanggang P48 kada kilo noong isang taon.