Pasok pa rin sa benchmark ng World Health Organization ang kasalukuyang Covid-19 positivity rate sa bansa.
Inihayag ito ng Department of Health makaraang makapagtala ng positivity rate na 3.7% na nasa treshold pa rin ng WHO na 5%.
Ito, ayon sa DOH, ay batay sa datos ng Epidemiology Bureau at covid-19 surveillance unit, hanggang noong June 21.
Gayunman, nasa 5.2% ang positivity rate sa Metro Manila ngayong linggo kumpara sa 3.2% noong nakaraang linggo habang tumaas din ang positivity rate sa ibang rehiyon.
Taliwas naman ito sa projection ng independent pandemic monitor na OCTA Research Group na 5.5% ang positivity rate sa National Capital Region.
Samantala, nilinaw ng kagawaran na ang positivity rate ay hindi batayan upang i-assess ang kasalukuyang covid-19 situation.