Nakatakdang ilabas ng Ombudsman ang dismissal order nito laban kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at sa iba pang opisyal ng lungsod.
May kaugnayan ito sa malagim na sunog sa pabrika ng tsinelas sa pagmamay-ari ng Kentex Manufacturing Corporation nuong isang taon.
Ayon sa source ng DWIZ, administratively liable umano si Gatchalian at iba pang opisyal ng lungsod dahil sa paglabag nito sa fire code nang maglabas ng permit sa nasabing kumpaniya sa kabila ng kawalan ng fire safety certificate mula sa Bureau of Fire Protection o BFP.
Sa panig naman ni Gatchalian, sinabi nito na nakakuha siya ng Temporary Restraining Order o TRO nang magpasaklolo ito sa court of appeals.
By: Jaymark Dagala