Isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa panukalang diborsyo at same sex unions.
Inihayag ito ni Alvarez sa pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon ng ika-17 Kongreso kahapon sa kabila ng mariing pagtutol dito ng Simbahang Katolika.
Ayon sa House Speaker, kailangang ikunsidera ng Pilipinas ang mga nasabing panukala dahil hindi naman lahat ay maaaring pumasok sa matrimonyo ng kasal.
Kasunod nito, binigyang diin ni Alvarez na dapat maging pantay ang pagtrato ng batas sa bawat mamamayan ng bansa sa pagbibigay ng karapatan at kalayaang makapamili ng kanilang naisin sa buhay.
By: Jaymark Dagala
Diborsyo at same sex unions panahon nang maisabatas – HS Alvarez was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882