Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipinaglalaban ng Pilipinas ang mga karapatan nito sa China.
Ito ang naging tugon ni Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin sa isang Twitter post ng isang netizen kung saan ikinumpara nito ang impeachment case ni U.S President Donald Trump sa relasyon ng Pilipinas at ng China.
Ayon kay Locsin, naninindigan ang pamahalaan sa kung anong mga dapat ipaglaban ng Pilipinas sa China kabilang na nga rito ang sea dispute sa West Philippine Sea.
Ani pa ni Locsin, maging ang Vietnam ay kakampi sa laban na ito ng bansa.
Matatandaang ibinasura ng International Criminal Court ang reklamo nina dating ombudsman Conchita Carpio Morales at dating foreign affairs sec. Albert Del Rosario sa China at Pres. Xi Jinping dahil sa umano’y paglabag sa human rights sa ilang lugar sa South China Sea.