Handa si Pangulong Bongbong Marcos na ipag-utos ang pagpapalipat kay dating Sen. Leila de Lima sa ibang detention facility.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos manganib ang buhay ng dating senador nang subukan itong i-hostage ng tatlong detainees sa PNP Custodial Center pasado alas-6:00 kaninang umaga, Oktubre 9.
Ayon sa Pangulo, kakausapin niya si De Lima at aalamin ang kondisyon kasunod ng hostage-taking incident.
“Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” pahayag ng Pangulong Marcos.