Pangungunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Statistics Authority (PSA) ang paggawa ng blank cards na gagamitin sa national id sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys).
Ito’y matapos pormal na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang BSP at PSA para sa suplay ng blank cards na gagamitin para sa phil id.
Ayon sa BSP, aabot sa 116 million cards ang gagawin nito para sa psa sa loob ng 3 taon.
Ang national id ay ipagkakaloob sa lahat ng Pilipinong naninirahan sa Pilipinas.
Inoobliga rin na magkaroon nito ang mga dayuhang nakatira na rin dito sa bansa.
Plano ng PSA na buksan ang registration para sa phil id sa lahat sa July 2020 at makumpleto ang registration ng lahat pagdating ng 2020.