Makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa Office of the President si dating Olympic Silver Medalist Mansueto Onyok Velasco.
Ito ay matapos na isiwalat ni Velasco na hindi natupad ang mga pangako sa kanyang pabuya matapos masungkit ang silver medal sa summer Olympic games noong 1996.
Ayon kay Senator Christopher Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, ang kalahating milyong piso na ibibigay para kay Velasco ay bilang pagkilala sa karangalan at inspirasyon na ibinigay nito sa mga atleta na nagtagumpay ngayon.
Napag alaman ng tanggapan ni Senator Go na naibigay naman ng gobyerno ang lahat ng dapat na insentibo para kay Velasco ang hindi aniya nito natanggap ay ang mga pangakong pabuya bukod sa bigay ng pamahalaan.—sa panulat ni Hya Ludivico