Binalaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga magsasaka na huwag ibenta ang kanilang lupang sakahan.
Ginawa ni DA Secretary John Castriciones ang pahayag kasabay ng pamamahagi ng certificates of land ownership award (CLOAS) sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBS).
Ayon kay Castriciones, tatanggalan ng karapatan sa lupang sakahan ang mga magsasakang magbebenta ng kanilang lote habang kukumpiskahin din ito at igagawad sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.
Sa isang simpleng awarding ceremonies sa Calapan City, tinatayang 93 ektarya ng agricultural lands ang ipinamahagi nang libre sa 55 magsasaka sa naturang lugar.