Abiso para sa mga motorista!
Posibleng magpatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng taas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad, inaasahang maglalaro sa P1 hanggang P2 ang magiging patong sa kada litro ng gasolina.
Ang diesel naman ay posibleng magtaas ng P2 , habang lagpas pa sa P2 ang kerosene.
Maliban sa langis, sinabi ni Abad na posibleng magpatupad ng rollback sa LPG sa Enero 1 ang mga Oil companies, na maglalaro sa P4 kada kilo.
Samantala, ang presyo ng pump kada litro ay tinatayang tataas ng P2 -P2.30 para sa parehong Unioil at BioFuel.