Nilinaw ng SSS o Social Security System na wala silang planong taasan ang buwanang kontribusyon ng mga empleyado ng pribadong sektor.
Ayon kay SSS President and Chief executive Officer Emilio de Quiros Jr., walang katotohanan ang lumabas na balitang magtataas umano ng contribution rate.
Matatandaang lumabas na kailangan umanong may adjustments sa kontribusyon ng mga SSS members upang hindi maging hanggang 2029 lamang ang pondo ng SSS kapag nagdagdag na ng P2,000 pesos sa pension.
Sinabi ni de Quiros, inaasahang tatagal pa ang pondo ng SSS hanggang 2042.
By Avee Devierte