Inaresto at ikinulong ang dalawang Reuters journalist dahil umano sa iligal na pagkuha ng mga impormasyon na nakatakda umanong ibahagi sa iba pang foreign media.
Kinilala ang mga ikinulong na mamamahayag na sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo.
Ayon sa Ministry of Information, nilabag ng naturang mga mamamahayag ang British Colonial-Era Official Secrets Act na may katapat na pagkakakulong ng hanggang labing apat (14) taon.
Sinasabing ang mga Reuters journalist ay gumagawa ng istorya ukol sa military crackdown ng Myanmar laban sa Muslim minority na Rohingya.
—-