Dalawa katao na ang namatay dahil sa sakit na leptospirosis.
Ayon kay Manila Health Department Director Dr. Grace Padilla, dinala sa Sta. Ana Hospital ang isang pasyente habang ang isa naman ay sa isang ospital sa Tondo.
Magugunitang nauna nang inihayag ng Department of Health na inaasahan ang pagtaas ng kaso ng naturang sakit lalo pa’t maraming lugar ang nalubog sa baha dahil sa mga pag-ulan.
Ngunit paglilinaw ni Doktora Padilla, nagkasakit ang mga pasyente bago pa manalasa ang mga bagyo.
Kaugnay nito, iniulat din na may lima pang kaso ng leptospirosis sa Sta. Ana Hospital, at tig-tatlong pasyente sa Manila Hospital, at Tondo Medical Center.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave