Inaasahang ilalabas ng Department of Agriculture (DA) ang Suggested Retail Price (SRP) para sa imported na baboy sa susunod na linggo.
Ayon kay DA Secretary William Dar, makikipagtulungan sila sa Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang mga Senador upang sumahin ang presyo ng karne ng baboy batay sa napagkasunduang taripa.
Magugunitang naglabas ang Pangulong Duterte ng executive order ukol sa taripa ng imported na baboy sa bansa.