Handa nang maibenta sa merkado ang ‘GenAmplify version 2′, ang kauna-unahang RT-PCR test kit na gawang Pinoy.
Ito ang ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo sa kanilang Facebook post.
Dahil dito, labis na nagpasalamat DOH at Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) sa mga Pinoy scientist sa bansa na patuloy na ginagamit ang kanilang talento para makatulong hindi lamang sa mga Pilipino kundi sa sangkatauhan.
Nagpasalamat din ang DOH sa Manila Health Tek team na kanilang katuwang para sa pagsusuri sa naunang bersyon ng GenAmplify.
Sinabi ng Health Department na patuloy nilang i-momonitor ang performance ng unang RT-PCR test kit na gawa ng mga Filipino scientist.