Pumalo na sa mahigit sa 13 milyon ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Sa naturang bilang, mahigit sa 7 milyon na ang gumaling samantalang halos 600,000 na ang bilang ng nasawi.
Gayunman, naniniwala ang mga nangangalap ng impormasyon at gumagawa ng tally na posibleng mas malaki pa rito ang tunay na bilang ng kaso ng COVID-19 dahil isinasalang lamang ng maraming mga bansa sa COVID-19 testing ang mga may sintomas at malalang sakit.