Binawi na ng Securities and Exchange Commission ang corporate registration ng Lucky South 99 Corp. dahil sa paglabag sa mga Articles of Incorporation nito habang nagpapatakbo ito ng Philippine Offshore Gaming Operator Facility sa Porac, Pampanga.
Ayon sa SEC, binawi ng Enforcement and Investor Protection Department ang Certificate of Incorporation ng Lucky South 99 matapos makitaan ng mga pekeng dokumento o mga kahina-hinalang incorporator.
Matatandaang lumabas sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang Lucky South 99 ay kasama sa listahan ng mga offshore gaming licensees na inisyu ng Philippine Amusement And Gaming Corporation (PAGCOR).