Nakakita ka na ba ng convenience store na hassle puntahan? Kung hindi pa, baka magulat ka kapag nakita mo ang tindahan na ito sa China na sa halip na maghatid ng convenience, extra challenge at thrill muna ang ibibigay sayo bago mo mabili ang gusto mo.
Kung bakit alanganin ang pwesto ng convenience store na ito, eto.
Taong 2018 nang buksan ang maliit na tindahan sa Shinuizai Scenic Area sa probinsya ng hunan sa China kung saan makakabili ng drinks and snacks.
Pero huwag iismolin ang tindahan na ito dahil binansagan lang naman itong ‘most inconvenient convenience store’ sa China dahil bagama’t maliit ito, literal na mapapasabi ang buyers na mataas na ang kanilang narating dahil matatagpuan lang naman ito sa gilid ng bangin sa taas na 394 feet.
Para makarating sa tindahan, tila wall climbing ang eksena dahil kinakailangang dumaan sa mga bakal na nakabaon sa mga bato. Ayon pa sa local media, 90 minutes o mahigit isang oras ang aabutin bago makaakyat sa tindahan.
Kakaiba man tingnan, pahirapan iakyat ang mga paninda dahil ang mga staff mismo ang nagdadala nito sa loob ng kanilang mga backpack.
Ayon pa sa isang anonymous staff, hindi malaki ang kinikita ng nasabing tindahan pero para sa kanila, meaningful pa rin ang kanilang trabaho dahil nagpapasalamat ang mga turista at mayroon silang napagkukunan sa tuwing nauuhaw o nagugutom sa kalagitnaan ng kawalan.
Samantala, hassle man ang aabutin, makakatanggap naman ng libreng bottled water ang mga buyers kapag nakarating na sila sa tindahan. Bukod diyan, namimigay din ang inconvenient convenience store ng libreng mooncakes sa tuwing sumasapit ang mid-autumn festival.
Ikaw, tyatyagain mo bang akyatin ang tindahan na ito o titiisin mo na lang ang gutom at uhaw mo?