Agad na ipapasa ng Senado sa Plenaryo ang Blue Ribbon Committee report sa isyu ng ‘ninja cops’ sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Nobyembre 4, Lunes.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, part 1 pa lamang ito ng dalawang (2) committee report ng Senado.
Aniya, kasalukuyan pang tinatapos ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman ang report hinggil sa kontrobersiyal na ‘good conduct time allowance’ law o GCTA.
Sinabi ni Sotto, nauna lamang aniyang maipalabas ang hinggil sa ‘ninja cops’ dahil mainit ang nabanggit na usapin.
Vc: sotto 1
Baka sa Lunes (Oktubre 21) mismo ipasa namin yan (committee report).. Ayoko kasi yung mga nangyayari noong araw sa amin na gagawa ng committee report, magkakaroon ng draft, bibigyan ang media….Kailangan pinag uusapan sa Plenary yan, dapat ipasa yan.. Kapag hindi pinasa yan, then its not a Committee report its just a draft,” —Senate President Vicente Sotto III sa panayam sa DWIZ.
Samantala, tiwala naman si Sotto na makakakuha ng sapat na lagda mula sa mga senador ang Committee report na nagrerekomendang makasuhan si dating PNP chief General Oscar Albayalde dahil sa maanomalyang drug buy bust operations sa Pampanga noong 2013.
Dagdag pa ni Sotto, maging si Senador Ronald Dela Rosa na mistah ni Albayalde ay lalagda sa Committee report.