Isinasantabi na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bidding para sa refurbishment ng tinatayang 81,000 PCOS machine na gagamitin sa 2016 national elections.
Ito’y makaraang magkaroon ng ikalawang failure of bidding para sa mga nasabing makina.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni COMELEC Chairman Andy Bautista na sa ngayon ay mayroon silang opsyon na pinagpipilian.
Kabilang na rito ang pag-refurbish sa mga PCOS machine sa pamamagitan ng direct contracting o pag-abandona sa mga PCOS at bumili na lamang ng mga bagong optical mark reader machine.
“So ‘yun po ngayon dadagdagan natin, either with the existing 82,000 machine na PCOS or kaya mag-aarkila muli tayo ng 70,977, so kumbaga ngayon po ang ating pinagpipilian either magpa-refurbish nung existing PCOS, o mag-arkila ng mga bago at ang ating mga factors na kino-consider ay ang cost o halaga, yun pong timeliness kasi medyo gahol na po tayo sa oras, so titignan natin kung ‘yung pag-refurbish ay puwede pang gawin at pangatlo po ay ‘yung technical risk.” Pahayag ni Bautista.
By Drew Nacino | Kasangga Mo Ang Langit