Binabantayan pa rin ng PAGASA weather bureau ang Low Pressure Area (LPA) na nananatili pa rin sa labas ng Philippine Area of Responsiility (PAR) sa layong 640 kilometers Silangan-Timog-Silangan ng Davao City.
Ayon kay PAGASA weather specialist Veronica Torres, posible itong pumasok ng PAR pero mababa pa rin ang tysansa nito na maging bagyo sa susunod na 24 na oras.
Patuloy pa ring magdadala ng mga pag-ulan ang LPA partikular na sa Visayas at Mindanao.
Asahan naman ang mga pag-ulan na may kasamang thunder storm sa nabanggit na lugar maging sa bahagi ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, at Masbate.
Northeast monsoon o ang hanging amihan pa rin ang umiiral at patuloy na nakakaapekto sa bahagi ng Luzon partikular na sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region o CAR, Aurora, Quezon province, malaking bahagi ng Mimaropa kasama na dito ang Marinduque, Romblon, Orriental at Occidental Mindoro.
Wala namang inaasahang bagyo o iba pang sama ng panahon na posibleng pumasok sa bansa hanggang sa susunod pa na araw.
Patuloy namang nagpapaalala sa publiko ang pagasa na panatilihing maging alerto at makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan kaugnay sa lagay ng panahon; doblehin ang pag-iingat lalo na sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan; magdala ng payong at iba pang panangga para sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 21 hanggang 29 degrees celsius habang sisikat ang haring araw kaninang 6:23 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:43 ng hapon.