Nasa 1,000 Pilipinong nurse ang napektuhan ng ikinasang strike laban sa dalawang ospital sa New York City.
Nabatid na nagsagawa ng strike ang mahigit 700 nurse sa Montefiore Medical Center sa Bronx at Mount Sinai Hospital sa Manhattan matapos na hindi magkasundo ang pamunuan ng New York State Nurses Association (NYSNA) at dalawang ospital kaugnay sa pagdaragdag ng staff.
Ayon kay NYSNA executive committee Lorena Vivas, layunin nila na matiyak na mayroon silang sapat na staff upang makapagtrabaho ng maayos dahil mahigit 500 aniya ang nabakante sa posisyon.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang Department of Health at human resource sa dalawang ospital kaugnay sa naturang isyu.